"KAILAN ba kayo titigil sa pagkontrol ng buhay ko dad?" halos umalingaw-ngaw ang boses ni Leigh sa buong kabahayan. Hindi na niya kayang magtimpi sa mga pangyayareng kagagawan ng magulang niya. At wala na siyang pakialam sa inaasal ngayon, kahit pa naroon si Mr. Yap at ang anak nito. Sa kabila nang pag-ulpot ng lalaking nagpakilalang Greyzon Villafor, ay desidido pa rin ang kanyang ama na magpakasal siya sa anak ni Mr. Yap dahilan para mas lalo niya itong kasuklaman. "Leigh!" suway ng Mama niya at agad siyang hinawakan sa braso. Matalim ang tinging ginawad sa kanya ng ama. Bumaling muna ito kila Mr. Yap at nagpaalam bago siya nilapitan. "Hindi muna ba talaga ako binibigyan ng kahihiyan?" mariing usal nito. Bumalatay ang ngisi ni Leigh. "Kahihiyan?" "Eh, ako yung di n'yo binibigyan