'My ex is a gay Terron.' WALANG nagawa si Terron kundi ang buhatin ang lasing na si Leigh. Nakasubsob na ang dalaga sa counter at hindi na makakilos pa. Lasing na lasing ito matapos makaubos ng dalwang bote ng tequila. Dinala niya si Leigh sa guestroom at duon hiniga. Hinubad ni Terron ang suot nitong itim na leather jacket at boots saka niya kinumutan. Kumuha rin siya ng bimpong ipupunas sa mukha ng dalaga. "Iyakin," mahinang sambit niya habang pinupunasan ang maamong mukha ni Leigh. Natuyo na kasi ang mga luha nito. Hindi niya maiwasan ang hindi ito titigan sa mukha. Napalunok siya nang dumako ang mga mata niya sa mapulang labi ni Leigh. Muling bumalik sa isipan niya ang ginawang paghalik nito sa opisina no'ng nakaraan. Napapikit si Terron at umiling nang mapagtanto na hindi niya da