'Isang batang lalaki ang hindi pa nakikilalang nagtapuang patay sa bakanteng lote sa Antipolo Rizal. Ayun sa mga awtoridad ng Antipolo, hindi baba sa sampung saksak ang tinamo ng bata na naging sanhi ng pagkamatay nito. Sa ngayon nakikipag coordinate na ang kapulisan ng Antipolo para ma-identify ang bata. Ito si Karen Ayala, nag-uulat GSMBNA.' Nabitawan ni Leigh ang tasang hawak matapos marinig ang balitang 'yon. Kasabay noon napapitlag siya sa gulat dahil sa malakas na ring ng telepono na umalingawngaw sa buong presinto. Nakita niya si Hilary na mabilis na tumayo at sinagot ang tawag. Sumulyap pa ito sa kanya bago tinapat ang telepono sa tenga. Hanggang ngayon hindi siya makakibo sa kinatatayuan. Nanlalamig ang buong palad niya, at sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya. Umihip ang hang