"HA? mag-iisang buwan palang kayong magkasama. Away agad? Pards naman, paano pa kaya kung kasal na kayo? E'di lalayasan mo siya kada away n'yo?" tanong sa kanya ni Hilary habang pareho silang nakasandal sa headboard ng kama nito ngayon. Nagkibit-balikat lang si Leigh at bumuntong hininga. "Ewan ko, baka...siguro." Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang sama ng loob niya kay Terron. Hindi maalis sa isipan niya ang masasakit na salitang binitawan nito. At oo, nilayasan nga niya si Terron at kagaya ng dati kay Hilary ulit siya nagpunta at tumuloy. Ayaw niya munang makita o makausap si Terron hangga't maari dahil baka masapak niya lang 'to. "Pards, ayusin n'yo na yan," seryosong payo ni Hilary. "Kasi, hindi pwedeng ganito, isipin mo. . . marami pa kayong problemang haharapin at pagdada