Lance and Jane part 7 Alauna ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ngayon araw na kasi na ito kami naging opisyal na magkasintahan ni Lance. Hanggang ngayon tuloy ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nang tumunog ang cellphone ko ay muli na naman akong ngumiti. Nabasa ko kasi ang pangalan ni Lance, kaya agad kong sinagot ang tawag niya. "Hi! Moon," sabi ni Lance. "Hmm.. bakit? "Sabihin mo muna star." "Bakit ka tumawag, star ko?" "I miss you." "Magkasama lang tayo kanina." "Hindi ako makatulog sa sobrang saya kaya umalis ako ng bahay." "Saan ka pumunta?" "To the moon." "It's not funny." "Hindi ako nagbibiro pupunta nga ako sa moon. Sino ba ang moon ko?" "You mean papunta sa condo ko?" "Nasa harap na ako ng pinto." Gusto kong tumili sa kilig pero hindi