Lance and Jane part 4 "Moon…" bulong ni Lance habang magkadikit ang mukha naming dalawa. Nakatayo pa rin kami sa harap ng pinto ng condo ko. Hindi ko siya matulak dahil ang higpit ng yakap niya sa akin. Naririnig ko ang lakas ng t***k ng dibdib ko. "Lance, kailangan ko ng pumasok sa loob." bulong ko sa kanya. Nagulat ako nang kargahin niya ako. "Anong ginagawa mo?" Namumula ang mukha ko habang nakayakap sa kanya. "Buksan mo na ang pinto." "Ibaba mo ako!" "Hindi kita ibaba kung 'yan ang hinihintay mo." "Ninakawan mo na ako ng halik kanina, at ngayon, gusto mong matulog sa condo ko." "Hindi ko na kayang mag-drive dahil nahihilo na ako sa kalasingan ko. "Makikitulog muna ako sa condo mo, bukas na ako uuwi." "Pero walang bakanteng kuwarto para sa iyo." "Pero may bakante sa kama mo.