"Rafael?" Gulat na gulat ako nang makita ko siya sa loob ng bahay ng biyenan ko. "Hi!" sabay ngiti niya. "Naalala mo na ba ang lahat?" Umiling siya. "Si Sebastian ang pinunta ko rito." "Sige tatawagin ko siya. Hintayin mo lang ako rito." "Bella!" Huminto ako at humarap sa kanya. "Bakit? "Babalik ako sa Amerika kung saan natin binuo ang pangarap natin. Gusto kong bumalik ang mga alaala ko at kapag nangyari iyon ay babalikan ko na kayo." Ngumiti ako. "Natutuwa akong kahit hindi mo naalala ang lahat ay mabait ka sa akin. Masaya na akong maalala mo may anak ka sa akin." Tumalikod ako sa kanya para puntahan si Sebastian sa kuwarto. "Anak, nasa labas ang Daddy mo." "Daddy!" sigaw ni Sebastian. "Seb, anak ko!" Sumunod pala sa akin si Rafael papunta sa kuwarto. Pinanood ko silang dalaw