"I told you not to approach or talk to strangers!" Inis kong sabi kay Sebastian, habang papalayo kami kay Rafael. Ang daming tao na puwedeng makita sa party bakit si Rafael pa ang nakita ko. Nasira tuloy ang araw ko. "Hindi kita nakita kanina, Mommy. I'm scared. He was the only one I saw at the party that I was familiar with, so I asked him for help." "You still don't trust strangers. Paulit-ulit ko nang sinabi sa iyo 'yan bakit hindi ka nakikinig sa akin. Maraming masamang taon na ngayon ang nagpapanggap na mabait?" Nakayuko si Sebastian habang naglalakad. "I'm sorry, Mommy." "Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo dahil kapag inulit mo 'yan papaluin na kita." Tumango siya bilang tugon sa akin. "Promise, hindi ko na po uulitin." "Good." Pinuntahan namin si Thesa at ang anak niya. Nang m