RAFAEL'S POV: "WHAT is your plan?" seryosong tanong sa akin ni Andy. Bumalik ako ng Manila para bisitahin ang mga negosyo ko. Mahigit isang buwan na rin kasi akong hindi bumisita sa mga kumpanya ko. Nang malaman ni Andy na nasa Manila ako ay agad siyang pumunta sa bahay ko. Bumuntong-hininga ako. "Plan?" "Nandito ka sa Manila sino ang kasama nila Bella sa bahay nyo?" "Tatlong araw nang bumalik ang lahat ng katulong ko sa bahay. Lahat sila ay nandoon na kaya may kasama na si Bella at ang anak ko." "Balik tayo sa naging tanong ko sa iyo? Anong plano mo kay Bella?" "Ibabalik ko na siya kay Steven, kailangan siya ni Steven ngayon." "Hindi ba't siya ang nagpumilit sa iyo na ilayo mo sa kanya si Bella at ang anak mo dahil ayaw niyang makita siya ni Bella sa kalagayan niya ngayon?" Muli