Lance and Jane part 11 Kanina ko pa tinitingnan si Lance, habang nakikipag-usap siya sa Daddy niya. Kinabahan ako dahil baka kung anong isipin niya sa akin. Isang linggo nang hindi umuwi si Lance, mula nang dumating kami mula sa bakasyon. Hindi na siya pinauwi ni Jack. Nilingon ko si Jack dahil hinila niya ang laylayan ng damit ko. "Mommy, bakit tingin nang tingin kay Tito Lance?" "Baka kasi nagagalit na ang pamilya ng Tito Lance mo kasi hindi siya umuwi." "Mommy, sorry kung hindi ko siya pinapauwi. Gusto ko lang naman siyang makasama ng matagal." Ginulo ko ang buhok niya. "Huwag kang mag-alala gusto naman ni Tito Lance mo ang makasama tayo." Sabay tingin ko kay Lance na nakikipag-usap pa rin. Tumango si Jack at muli niyang tinuon ang tingin sa pinapanood niya. Nang lumipas ang kins