"Bella, umaasa akong sasama ka sa biyenan mo na bumalik sa Pilipinas," wika ni Mommy nang ihatid namin siya ni Sebastian sa Airport. Ilang buwan rin naming nakasama si Mommy at sa loob ng mga buwan na nagdaan ay nawala na ang pader sa amin dalawa. Naging close rin sila ng biyenan ko kaya nawili si Mommy sa pagbabakasyon. Kung wala nga lang siyang naiwang negosyo sa Pilipinas ay yayain ko siyang dito na lang tumira. Hindi naman tumuloy ang mga biyenan ko na bumalik agad sa Pilipinas dahil nagkaroon ng problema sa kumpanya na hinahawakan noon ni Steven. Ang sabi ng biyenan ko ay ako na dapat ang humahawak ng mga iyon, pero dahil hindi ko pa kayang mag-trabaho ay siya muna ang nag-aasikaso ng mga naiwan ni Steven. Five months ng wala si Steven sa amin at kahit wala na siya ay sariwa pa rin