MALAMIG na hangin ang dumampi sa aking katawan nang makarating na kami sa bayan namin. Nilingon ko si Sebastian na tulog habang yakap ang pillow hotdog niya. Balak ko sana siyang 'wag na sumama dahil masyadong malayo ang lugar namin ngunit umiiyak siya nang paalis na ako. Sandali akong huminto upang isarado ko ang bintana ng kotse ko. Kanina kasi ay binuksan ng anak ko dahil gusto niyang makita ang lugar na madadaanan namin. Bago ko isara ang pinto ng bintana ng kotse ko ay may humintong kotse sa tapat namin. Nang lingunin ko para tingnan kung sino ito ay bigla namang binuksan ng driver ang bintana ng kotse niya. "What are you doing here?" Inis kong tanong kay Rafael. Tuesday pa dapat kami magkikita pero ngayon pa lang ay nakita ko na siya. "I visited my wife. How about you? What are