HALOS limang minuto akong nakatingin kay Lance, habang ang himbing ng tulog niya. Nakabalot siya ng kumot dahil sobrang lamig pa rin ng panahon. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan sa labas ng bahay. Alas-siyete nang umaga ako nagising ngunit parang alas-kuwatro pa lang ng umaga ang panahon. Star, kung puwede nga lang kitang agawin sa girlfriend mo ay ginawa ko na. Ayoko lang gawin, dahil ayokong maulit ang ginawa ko noon kay Rafael. Ayokong ilayo ka sa taong mahal mo kaya kahit sa masakit sa akin ay tatanggapin ko maging masaya ka lang. Ngumiti ako sa kanya. “Matulog ka lang ng mahimbing dahil ako naman ang magluluto ng almusal natin.” Bumangon ako para magluto ng almusal. Gusto kong pag nagising si Lance ay kakain na lang siya tulad ng ginawa niya. Inunat ko ang katawan ko