Chapter 6

1102 Words
"'DI BA nalabhan mo na iyan noong nakaraang araw?" nagtatakang tanong ni Mommy Nenita nang makitang kinukuha ni Erin sa sampayan ang towel ni Caleb. "Nilabhan ko po uli, 'My. Para sure na malinis at mabango. Ngayon ko kasi ito isosoli sa may-ari," tugon niya. "Sabi na nga ba't hindi sa'yo iyan, eh. Ngayon ko lang kasi nakita," komento pa ng ina. Tinupi ni Erin nang maayos ang towel. Ilang ulit pa niya iyong dinala sa kaniyang ilong at inaamoy-amoy. "Pinahiram niya po sa'kin dahil pawis na pawis ako." Napangiti ang mommy niya. "Lalaki ba ang may-ari niyan?" Hindi binigyan ni Erin nang malisya ang tanong na iyon ng ina kaya tumango siya. At dahil inulit niya ang pagtutupi ng towel, hindi na niya nakita ang pagsilay ng nanunuksong ngiti sa mga labi ni Mommy Nenita. "Mukhang magkaka-boyfriend na ang bunso ko, ah." Doon lang natigilan si Erin at nag-angat ng tingin. Nag-blush siya nang makita ang nanunuksong mukha ng ina. "Naku, mali po kayo ng iniisip, 'My," aniya sa defensive na boses. "Paano ako magkaka-boyfriend? Eh, hindi naman po ako gusto ng may-ari nito." "Anak, ang lalaki, kapag nagpahiram ng personal niyang gamit sa isang babae, ibig sabihin ay espeyal ito sa kaniya," paliwanag ng ina. Nang dahil sa sinabi ni Mommy Nenita kaya hindi napigilan ng puso ni Erin na umasa. Inosente siya at hindi gaanong naiintindihan ang sinasabi ng ina. Pero sa tuwing nakikita niya ang tuwalya ni Caleb, napapaisip at napapatanong ang dalaga. Bakit nga ba talaga ipinahiram ni Caleb sa kaniya ang personal thing nito? Hindi ba ito nandidiri sa kaniya. "At imposibleng hindi ka niya magustuhan," dagdag pa ni Mommy Nenita. "Ang ganda-ganda kaya ng anak ko. Kaunting lipstick lang, mukhang artista na." Napapangiti na napapailing na lang si Erin. Kaya siguro marami ang nagsasabi na kakaiba raw ang mga magulang niya, lalong-lalo na ang mga kaklase niya noon sa High School. Dahil hindi lang napaka-supportive ng mga ito sa kaniya kundi number one fan pa. At kung ang ibang mga magulang ay galit na galit sa mga anak na nagnonobyo habang nag-aaral, sa parte ni Erin, ang mga magulang pa niya mismo ang nagtutulak sa kaniya na mag-boyfriend. Kaya siguro madalas siyang kainggitan dahil masuwerte daw siya sa mga magulang niya. Understanding na, malaki pa ang tiwala sa kaniya. "Hindi nga niya ako gusto, 'My. At hindi ko rin naman siya gusto." "At bakit nga?" Batid ni Erin na hindi siya tatantanan ng ina kaya mabilis siyang nag-isip ng paraan. "Dahil bakla po ang may-ari nito. Tama, bakla nga siya!" Sa isip niya ay humihingi siya ng sorry dahil sa pagsisinungaling sa ina. Nag-sorry din siya kay Caleb. Natawa si Erin nang mapagtanto ang sinabi. Ano nga kaya ang magiging reaksiyon mo kapag nalaman mong tinawag kitang bakla? "Bakla pala ang may-ari niyan," usal ng ina, may panghihinayang sa boses. Napangiti ang dalaga. Ang cute lang kasi ng Mommy Nenita niya. Parang ito pa ang teenager at excited na ma-in love. Siguro epekto ng pagkahilig nito sa Korean drama. "Hali na kayo." Sinundo sila ni Daddy Dencio sa likod ng bahay. "Ano ba ang ginagawa n'yo riyan at ang tagal n'yo?" "Wala po, 'Paps. May kinukuha lang." "Kung gano'n, tara na." Inakbayan silang dalawa. "Tumawag nga pala kanina ang kuya mo. Tinatanong kung may boyfriend ka na raw." "Sabihin n'yo po, magmamadre ako." Natawa si Erin. Isa pa iyong Kuya Rafael niya. Bakit ba atat ang mga ito na magka-boyfriend siya? Turning nineteen pa lang siya! BAKANTENG oras ni Erin nang sandaling iyon kaya hinanap niya sa campus si Caleb. Totoong nahihiya na ang dalaga. Dahil siya na nga itong pinahiram ng towel pero hindi pa niya isinoli agad. Halos nalibot na ni Erin ang buong Tourism building pero hindi pa rin niya nakita si Caleb. Wala rin ito sa basketball court. Bukod doon ay wala na siyang ibang alam na tambayan ng binata. Kaya susuko na sana siya. Ang balak niya ay mamayang uwian na lang uli niya ito hahanapin. 'Pag iniiwasan ko siya, bigla-bigla na lang sumusulpot. Kung kailan naman hinahanap ko, saka naman hindi nagpapakita. "Oy, girl! Nakita mo ba si Caleb sa building natin? Grabe! Sobrang guwapo at hot niya talaga." Napalingon si Erin nang marinig ang pagtitili na iyon ng babae. Halos um-echo ang boses nito sa buong P.E. Center, kung saan siya nakatambay at nagpapahinga. Pero ang totoo, napalingon talaga ang dalaga dahil binanggit nito ang pangalan ni Caleb. "Oo, girl. Nagtataka nga ako kung bakit nando'n siya. Never naman iyong naligaw doon," anang isa pang babae. Halatang kilig na kilig din. "Hindi kaya IT ang bagong trip niya na ligawan? Gosh! Kung totoo man 'yon, sana ako!" "Gag*! Ako 'yon dahil mas bagay kami." Napapailing na lang si Erin sa pag-aagawan ng dalawang babae kay Caleb. Mukhang nagkapikunan pa ang mga ito. At bago siya umalis, muntik nang magsabunutan. Gano'n ba talaga kalakas ang epekto ng isang Caleb Santillan sa mga babae sa campus? Na kahit ang magkakaibigan ay nagkakasira nang dahil lang dito. Binasehan ni Erin ang narinig niyang kuwentuhan ng dalawang timang na babae. Dali-dali siyang pumunta sa IT building, kung saan ay naroon din ang classroom para sa next subject niya mamaya. Bahala na si Batman kung saang lupalop ng building niya hahagilapin si Caleb. Nang sa ganoon ay wala na siyang atraso dito at maiwasan na niya nang tuluyan. Tamang-tama. Hindi na ako lalayo sa classroom ko mamaya. Habang paakyat ng third floor ay nakita ni Erin sa suot niyang relo na malapit na ang oras ng next subject niya. Pero hindi pa rin niya nakita si Caleb. Nangangawit na ang mga paa niya sa pag-akyat-baba sa mga hagdanan. Pawisan na naman siya. Hindi umubra ang dala niyang panyo. Dahil pagod na pagod na kaya nadulas si Erin sa hagdan. Buti na lang at puwet niya ang unang bumagak. Pero sa sobrang lakas ng impact niyon ay napaigik ang dalaga. Hindi agad siya nakatayo. Sumiksik siya sa gilid ng hagdan at kumapit sa hand rail. "Miss, are you okay?" tanong ng isang boses na tila malungkot. Bigla na lang itong sumulpot sa likuran niya. Pero hindi sa klase ng boses natuon ang atensiyon ni Erin. Kundi sa may-ari ng boses na iyon, sa pamilyar na bangong kahit noong unang beses pa lang ay kilala na niya, at higit sa lahat ay ang kakaibang tono nito kung magsalita. Iyon bang parang nakakaakit na musika sa pandinig niya. Iyon bang marinig lang niya ay nagrarambulan na agad ang t***k ng puso niya. At walang ibang nagmamay-ari ng boses na iyon kundi si Caleb. Si Caleb Santillan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD