Kabanata 44 Shattered Ilang oras na akong nag hihintay at naka abang mula sa may veranda ng aming Villa mula nang dumating kami mula sa Maynila. We need to fly back to Queensland because of the emergency happened to Alessandra. Sinugod daw ito sa ospital sa hindi ko malamang dahilan. Hindi pa sana kami uuwe dahil may aasikasuhin pa niya ang shipyard company na naka planong itayo doon pero wala na itong pag pipilian. Niyakap ko ang sarili at tiningala ang langit. It's already breaking dawn, hindi na ganoon ka dilim ang kalangitan ngunit gayon pa man ay tila malayo pa para sa. akin ang bukang liwayway. Sinulyapan ko ang cellphone sa aking tabi, nag hihintay sa tawag na maaring hindi na dumating. Sa huli ay dinampot ko ang aparato at tumipa ng mensahe para dito, but I end up deleting