Kabanata 50 Best Friends The sun came up and the reality set in. Gaya ng dati masigla pa rin akong bumangon at nilapatan ng ngiti ang labi kahit pa pakiramdam ko ay pilit ko lamang iyon ginagawa. But I promise to myself that I will start fresh and be someone new. I will smile and it will be believable. "Magandang umaga, Mary!" Nilingon ko si Aling Sita na siyang may bitbit na timba at walis tambo. "Magandang umaga rin ho." Masigla kong bati. Ngumiti ito sa akin ng magiliw, "Paano mauuna muna ako saiyo at lilinisin ko lang ang na bakanteng cottage sa kabila." Tumango ako dito at bumalik sa loob para umpisahang magluto ng almusal. Mabilis ko itong dinala sa may veranda at kuntentong tinanaw ang dagat sa hindi kalayuan. Dagsa ang mga turista ngayon, umpisa na kasi ang summer. Halos