TAHIMIK akong bumalik sa kabilang kwarto matapos kong mapansing tulog na ng mahimbing si Kayden. Abot-abot ang aking kaba habang dahan-dahang bumalik sa iniwan kong pwesto. Mabuti na lang may sarili ding banyo sa kabila kaya nakapaglinis pa ko ng sarili bago lumipat sa tabi ni Mommy. Panay ang ngiti ni Kayden habang tinutulungan ko siya sa pagluluto. "Ba't ba ngiti ka ng ngiti?" tanong ko sa kanya at tinigilan ang paghihiwa ng patatas. Siya naman ay naghuhugas ng karne. "I'm just f*****g happy, Oli. You know...because you make me happy..." aniya sabay ngisi ulit ng bumaling sa akin. Mabilis na namula ang buong mukha ko. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Mamaya ulit?" anas niya at nagsisimula ng mamungay ang mga mata. "Oh, shut up!" mariing bulong ko. Humalakhak lang siya pagkatapos.