NAPATINGIN ako sa madilim na kalangitan habang nagmamaneho. Malakas ang kutob kong maulan sa direksyong pupuntahan namin. Paano sobrang dilim at mukhang galit ang langit. "There's probably a rain over there," aniya. Tumango ako habang nagmamaneho. Tama nga siya dahil ng malapit na kami sa kanila sobrang lakas ng ulan. Hininto ko sa tapat ng condo building ang sasakyan ko. "Uh, can you drop me at the parking lot? Wala akong payong, mababasa ako," aniya at nagkamot ng ulo. "Ah, sure." Natawa ako ng marahan at pinasok na sa parking lot ang sasakyan. "There you go," sabi ko pagkatapos ay iunlock ang pinto. Bumaling ako sa kanya at naabutan ko ang seryoso niyang tingin. Ang kaninang ngiti ko ay unti-unting naglaho. Lumakas ang t***k ng puso ko. "Coffee? I want to treat you for a cup of co