KINUSKOS ko ang buhok na basa. Lumapit sa akin si Kiko, kasamahan ko sa basketball team. "Matinik ka talaga! Maganda at pangit may gusto sa'yo!" Natigil ako sa ginagawang pagpapatuyo ng buhok at binalingan ko siya. Ngumisi siya sa akin habang nilalagay na sa balikat nito ang duffel bag. "Gusto nga ligawan ni Hans, try lang kung bibigay. Mayaman naman sila. Artista ang Mommy niya. Maganda at sexy kahit matanda na. Ba't kaya ganoon anak nila? Ang pangit!" Nagpantig ang tainga ko. Napatayo ako dahil nagtatawanan na sila. "Tigilan mo ko," banta ko sa kanya. Hinagis ko ang twalya sa lababo dahil sa iritasyon. Kinuha ko ang duffel bag at nilayasan silang lahat. Hindi na maipinta ang mukha ko. Naiinis ako sa tuwing niloloko nila ang babaeng 'yon. Wala na ngang ginagawang masama, paulit-ulit