DISTRACTED na ko dahil sa kabilang table. Lalo na naririnig ko ang hagikgik no'ng tinawag na Weng. Pilit kong iniisip kung may nakakatawa bang usapan sila pero hindi ko naman natatandaan na nagpapatawa si Kayden. "Bakit wala? Seryoso talaga?" Umismid ako habang umiinom ng tubig. "Let's go?" Tiningala ko si Damian na nakangisi na habang nakatingin sa akin. Natigil ako sa ginagawa at tumango. Ayoko pa nga umalis, eh. Makikinig pa ko kaya lang mukhang iba na ang iniisip ni Damian. "Wala pa sa isip ko ang ganyan, Weng," dinig kong sabi ni Kayden. Tumayo ako at kinuha ang clutch na nasa ibabaw ng lamesa. Tuwid na tuwid ang tayo ko at hindi na nagbalak na lumingon. Nginitian ako ni Damian at hinawakan sa likod para igaya palabas sa restaurant. "You're interested in him, huh?" tanong ni Da