MARIIN ang kagat ng aking labi habang kausap ang cashier sa isang bakery malapit sa amin. Katatapos ko lang tumkbo at mag-ehersisyo. Nagplano na kong bumili ng tinapay para kainin na din mamaya. Ang kaso nawawala ang purse ko. Hindi tuloy ako makabayad. Nag-init ang pisngi ko habang nagpapaliwanag sa kahera. "Uh, babalikan ko na lang. Nawawala talaga—" hindi ako natapos sa aking sasabihin ng makitang may nag-abot ng isang libo sa cashier. Sinundan ko iyon ng tingin at napasinghap ako ng makita si Kayden na tagaktak ang pawis at nakasuot pa ng gym attire. Panay-taas baba ng dibdib nito tanda na kagagaling lang din sa takbo. "Bayaran ko na ang kanya, Miss." Napakurap-kurap ako at umiling. "Hindi, huwag na! Babalikan ko na lang—" "I insist. Kung nahihiya ka. You can repay me anytime," an