KABANATA 5

1353 Words
Pagkatapos ng 3o minutes break ay muling ipinagpatuloy ang pagtatanong sa mga witness na maaaring makalutas sa kaso. “Mr. Martin, maaari mo na bang ituloy ang pagkukuwento sa amin ang tungkol sa dahilan ng hiwalayan nina Mr. De Castro at Miss Fernandez? May iba pa bang sinabi sa iyo si Mr. De Castro?” tanong kay Russell ng taga usig. "Nawalan ho siya ng panahon kay Andrea Fernandez, maaring lagi silang nag-aaway ng—“ "Objection!" biglang sigaw ng abogado ni Andrea. "Isang especulation lang ang sinasabi ng tagausig." "Sustained. Baguhin ang tanong," wika ng Judge. "So, sa pagkakatanda mo, ano pa ang nababanggit sa iyo ni Raymond na nagiging takbo ng relasyon nila ni Andrea Fernandez?" "Hindi daw ho demanding sa oras niya si Andrea kaya hindi nito nahahalata na nawawalan na siya ng time dito. At kahit minsan ho ay hindi nagreklamo sa akin ang kaibigan ko na may problema siya sa pagtatago ng relasyon niya kay Amanda. Hanggang noong umagang dumaan siya sa office ko. Sinabi nga niya na makikipag hiwalay na siya kay Andrea. At ang hapong iyon ay...naaksidente sila." Tila naman walang pakialam si Andrea sa naririnig. Lalo lang siyang nakadarama ng panghihina. Parang gusto niyang umuwi at ng huwag nang marinig ang mga nangyari sa panahong sila pa ni Raymond, and yet, naroon na pala si Amanda sa pagitan nila. PERO hindi puwedeng takasan ni Andrea ang pag-uusig sa kanya ng batas. Lalo pa at nang sumunod na vista ay si Amanda na ang nakaupo sa witness stand. "Alam ko hong may nobya si Raymond, pero dahil mahal ko siya, sumubo ako sa isang relasyon na malabo ang lagay ko. Isa pa ho, nauna kasi ang simpatiya ko sa kanya." "Ano'ng klaseng simpatiya, Miss Castillo?" "Hindi daw ho siya maligaya sa relasyon, masyado raw itong selosa at demanding, kung minsan nga raw ho ay bayolente pa kapag hindi niya naibibigay ang gusto. Nang itanong ko naman sa kanya kung bakit hindi pa niya pakasalan, may suicidal tendency raw ang nobya niya." Napapitlag si Andrea nang marinig iyon. Hindi totoo iyan! Ngunit hindi niya matagpuan ang sariling tinig. "llang beses na raw niyang tinangka na sabihin ditong nasasakal na siya sa relasyon nila pero hindi niya magawa. May mga salita raw ho si Andrea na kapag niloko niya ay papatayin siya nito at pagkatapos magpapakamatay." "Hindi, totoo yan..." mahinang sabi ni Andrea. "Sshh...saway ng mommy niya sa kanya na siyang nakarinig sa sinabi niya. Sa kinauupuan ni Russell, bahagyang nagtagis ang mga bagang ng binata. Hindi naman kasi totoo ang mga sinabi ni Amanda. Pagtapos ng mga ilang katanungan kay Amanda ay natapos na ang unang paglilitis. Kaagad na ring umuwi sina Andrea kasama ang pamilya. ****** "THAT’S not true!" sigaw ni Russell kay Amanda. Naroon siya sa bahay nito dahil tinawagan siya nito. "So what? Ang mahalaga lang naman, maipakita natin sa husgado na mabigat mga ebidensiya natin laban sa babaeng iyon!" nakapamaywang na wika ni Amanda sa suot nitong short at hanging blouse ay bahagya nang halata ang tiyan nito. "Pero hindi totoong—“ "Teka nga muna, Russell. Noong una tayong mag-usap sinabi mo na maaring totoo na sinadya ng babaeng iyon ang pagkamatay ni Raymond, hindi ba? Kaya pumayag kang magdemanda ako. Bakit ngayon ay—“ "Ang sabi ko sa iyo noon, maaari. Wala akong tiniyak sa iyo." "Whatever, Russell. Ang mahalaga, makulong ang babaeng iyon." "That's unfair!" "At ano ang fair. Nawalan ng ama ang isisilang kong anak? Na nawalan ka ng matalik na kaibigan dahil sa babaeng iyon?" Napailing na lang si Russell sa nakitang kakitiran ng isip ni Amanda. Ang totoo, nang sabihin sa kanya ni Amanda na idedemanda si Andrea sa salang pagpatay, pagdaka ay may tutol sa kubling bahagi ng kanyang puso. Alam kasi niya na pinagtaksilan ni Raymond ang dalaga. Pero nangako siya kay Russel na hindi pababayaan ang mag-ina nito. Makalipas ang ilang araw ay muling nagharap-harap sa korte sina Amanda, Andrea at Russell. Nang araw na iyon ay may bagong witness na nanamang uupo sa harapan upang tanungin. "SIGURADO ng makukulong ang babaeng iyan," bulong ni Amanda kay Russell. Hindi kumibo si Russell, sapat nang sinulyapan niya ang judge na paupo na sa mesa nito. Mayamaya ay kay Andrea siya tumingin. God! Napadaing ang puso niya nang mamalas ang anyo ng dalaga, tulala lang itong nakaupo sa tabi ng ama't ina at mga kapatid. Tila walang pakialam sa mundo at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Bakit ayaw maniwala ng puso ko na pinatay nga niya si Raymond? Ilang sandali pa at nagsimula na ang hearing sa kaso laban kay Andrea. Tinawag ang bagong saksi sa witness stand. “Maaari mo bang ikuwento sa amin ang mga nangyari?” tanong ng abogado ni Andrea sa bagong witness. "Duguan ho iyong lalaki at nasa kritikal na kondisyon. Pero nang makita kong dumilat siya ay lumapit ako sa kanya," wika ng lalaking nakaupo. "Tapos ay ano ang ginawa mo?" tanong ng tagapagtanggol. "Bilang nurse ho sa ospital na iyon, tungkulin ko rin na bigyan ng lakas ng loob ang pasyenteng nasa kritikal na kondisyon. Binulungan ko siya na magpakatatag. Muli siyang dumilat at bumuka ang bibig. May sinasabi siya sa akin,” kuwento ng lalaki. "Ano iyon?" "Wala raw kasalanan ang babaeng kasama niya. Hindi raw nito sinasadya ang pagkakabangga nila sa truck." Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng korte. "Hindi totoo iyan!" napatayo si Amanda. "Sinungaling ang lalaking iyan, isang bayaran!" galit na galit na sigaw ni Amanda. Nagalit ang judge at pumukpok sa mesa. Nang tumahimik sa loob ng courtroom ay muling nagpatuloy ang paglilitis. "Ano ang katibayan mo na sinabi nga iyon ng nasawi bago ito tuluyang nalagutan ng hininga?" Nginig ang kamay na inilabas ng nurse ang isang puting papel. "Hiningi niya ito sa akin. Isinulat niya sa pamamagitan ng dugo niya ang pahayag na ito." "ANDREA, magpakatatag ka. Kahit paano ay may testigo na wala kang kasalanan,” bulong ng ina ni Andrea sa kanya. Blangko pa rin ang tinging sinulyapan niya ang ina. "Ayokong umasa, mom." "Andrea, valid ang ipinirisinta ng nurse. Positibong dugo ni Raymond ang ginamit na pansulat doon at naroon ang kanyang fingerprint. At walang dahilan ang nurse para magsinungaling.You're unconscious that time at hindi mo kayang makipagsabwatan sa kahit na sino para pagtakpan ka. At wala pa namang nakakaalam noon na may isang Amanda na magdedemanda sa iyo,” wika naman ng kanyang kuya Daryl. Nang mga oras na iyon ay katabi niya ito. Napapagitnaan siya ng kuya niya at ng kanyang mommy. Napabuntung-hininga na lang Andrea. "Sana nga, kuya, sana nga. Hirap na hirap na rin ako," anang Andrea. "Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng kasong ito ay puwede ka magbagong-buhay. Just move on. Kalimutan mo ang lahat. At saka hindi kami papayag na makukulong ka," wika ng kuya niya. Nakahawak naman sa kamay niya ang kanyang mama at bahagyang pinisil nito ang kamay niya. "THE accused found this court, not guilty," sabay pukpok ng judge sa mesa. Agad na lumapit sina Nathaniel at Lorrenze para yakapin ang kapatid. "No! Hindi puwede ito! Hindi ako papayag! Ang walanghiyang babaeng iyan, ginamit niya ang kayamanan nila para hindi siya makulong. Binayaran nya ang batas! Binayaran niya!" histerical na sigaw ni Amanda. Lumapit si Russell at inakbayan ang pulang-pula sa galit na si Amanda, iginiya ito pabalik sa kinauupuan. "Huminahon ka. Baka kung mapaano ang bata sa sinapupunan mo." "Hindi ako papayag. Hindi ako matatahimik na basta na lang makalalaya ang walanghiyang babaeng iyan. Dapat siyang makulong!" "Wala na tayong magagawa. Nagdesisyon na ang korte, wala siyang kasalanan Amanda." Walang nagawa si Amanda kun’di mag-iyak sa dibdib ni Russell habang inilalabas ng korte. Panay pa rin ang pagbabanta nito. "Huwag mo siyang pansinin, Andrea," alo ni Ley sa kanya. "Panalo ang kaso natin. Hindi ka makukulong Andrea," wika ng kuya Daryl niya. "S-salamat," aniya ngunit nanatiling nakasunod ang tingin niya kina Amanda at Russell. Bakit siya lang Russell, minahal din naman ako ni Raymond noon? Bakit sa kanya ka mas naging malapit? At ayaw tanggapin ng kanyang puso na panibugho ang kahulugan ng ligaw na katanungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD