CHAPTER 21 CHLOE's P.O.V Today is Sunday. Matapos ang nangyari samin ni Nairo noong biyernes sa sport fest nila ay naging maayos na ang lagay naming dalawa. Pinatigil nya narin ako sa pagtatrabaho dahil sya na raw ang bahala sakin. Ipinasok nya ako sa school for girls para makapagaral ulit ako at nasa loob ako ng dorm namin ni Em em ngayon. "Nakatulala ka na naman dyan." Nakangising turan ni Em sakin kaya napangiti din ako. "Hindi kasi ako makapaniwalang okay na ulit kami ni Nairo eh." Sabi ko sa kanya. Matapos ang nangyari sa airport ay nagpaalam na sakin si Travis na lilipad sya sa Italy. Di naman labag sa loob ko ang pagtanggi sa alok nya dahil si Nairo naman talaga ang gusto kong mapangasawa. "Ang tibay mo Friend, paano mo nakayanan magpakamartir?" Manghang tanong ni Em sakin.