EPILOGUE: The Ending THIRD PERSON's P.O.V 1 year later... Isang taon na ang nakalipas simula ng mga pangyayaring lubos na nagbigay ng kalungkutan sa puso ni Nairo. Mga pangyayaring lubos nyang pinagsisihan sa buhay nya dahil sa takot nyang maramdamang mawalan ng mahalagang tao sa buhay nya. Patuloy ang pagtaas baba ng balikat nya habang patuloy ang pagluha ni Nairo habang nakatayong nakamasid sa puntod ng pinakamahalagang tao sa buhay nya. Sa nakalipas na isang taon ay nanatiling nakatatak sa isipan niya ang nangyaring pagluluksa ng mawala ang taong espesyal sa puso niya. Kahit na nakasuot siya ng tuxedo'ng pangkasal ay hindi niya yun alintana dahil sa labis na pagdadalamhati at kalungkutan na nararamdaman niya. "K-kamusta? I-isang taon nadin b-bago kita huling binisita d-dito... H-hi