Kabanata 8

1663 Words
Nanlalamig ang buong katawan ni Rage, ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod pang sasabihin ng mga magulang ng kanyang ninang. At lalong mas natatakot siya sa magiging sagot ng kanyang ninang Amiraya kaya, ang ginawa niya kahit na medyo nangangatog ang kanyang tuhod ay dahan-dahan siyang nagtungo sa kanyang silid. Ayaw niyang marinig pa ang pag-uusapan ng mga ito at isa pang iniisip niya ay papaano kung mapilitan na rin ang kanyang ninang na pumayag sa nais ng mga ito. Lalo pa at 70 years old na nga naman si Tito amir at talagang matanda na ito. Ilang beses na rin naman niyang narinig na nakikiusap ito sa anak at pati na sa kanyang kuya Amaro, pero mukhang wala pa ring balak mag-asawa ang kanyang Kuya Amaro. Gano'n din naman ang kanyang ninang pero kung ganito na kinakausap ito ng mga magulang nito. Lalo na at narinig niya na para bang merong bagong inirereto dito ay talagang hindi mawala-wala ang kanyang takot, tapos narinig pa niya na anak ng doktor iyong lalaki. Ano bang laban niya doon siguradong professional na rin iyon, o baka nga nag-aaral din bilang doktor iyong lalaking inirereto dito. Ano bang laban niya doon isa lamang siyang estudyante na pakainin pa ng kanyang ninang. Na walang kakayahan pang bumuhay ng pamilya at walang kakayahan buhayin ang kanyang Ninang. Kaya sobrang natatakot siya na baka tanggapin iyon ng kanyang pinakamamahal na babae. Paano na siya, mawawalan ng saysay ang buhay niya kapag nangyari iyon. Pero nag-uusap pa lamang sila kanina ng Ninang Amiraya niya, at iyon iyon na lamang ang kanyang panghahawakan. Na hindi ito papayag na mag-asawa ito, na patatapusin muna siya nito sa pag-aaral at nais nga nito na magkaroon muna siya ng asawa bago ito lumagay sa tahimik. Pero syempre hindi siya pahihintulutan na lumagay ito sa tahimik, kapag kaya na niya, kapag nakapagtapos na siya, at may maayos ng trabaho magtatapat na siya sa kanyang ninang. Sasabihin niya lahat dito ang totoong nararamdaman niya at kahit alam niya na malabo, gagawin niya ang lahat para mapapayag ito na magsama silang dalawa. Hindi bilang mag ninang at hindi bilang inaanak kundi bilang mag-asawa. Aam niya na malabo, alam niya na imposible pero sa taong nagmamahal ay walang imposible at titiyakin niya naman sa kanyang Ninang na magiging responsable siyang asawa dito. At mabuting ama aa magiging anak nila. Kung hindi man mangyari ang nais niya at halimbawang ipagtabuyan siya ng kanyang ninang at least hindi naman siya totally talo dahil naipagtapat naman niya. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na magtapat dito, at hindi habang buhay na lang na tinatago niya ang damdamin sa babae. Pero hindi niya kaya eh, ngayon pa nga lang iniisip na niya na paano kung tanggapin ng ninang niya ang nais ng mga magulang nito? Papaano na lamang siya? Wala pa siyang kakayahan sa buhay. Kapal naman ng mukha niya kapag nagtapat siya dito tapos estudyante pa lamang siya at wala pang kakayahan sa buhay. Umaasa pa siya dito tapos ganun ang gagawin niya sobrang nakakahiya pero hindi niya kayang mawala ang kanyang ninang. Mapalapit nga lang ito sa iba nagseselos na siya yun pa kaya na magbabalak na itong mag-asawa. Agad niyang kinuha ang picture ng kanyang ninang na nakalagay sa study table niya at pinakatitigan ninyo ng husto. "A-Amiraya hindi ko kayang mawala ka, i-ikamamatay ko kung mapupunta ka lang sa iba. Papaano na ako, sayo lang umikot ang buong buhay ko eh, ang mundo ko ikaw lang kaya papaano na ako mabubuhay kung wala ka? Patawarin ako ng Diyos pero kahit na kasalanan ang pagmamahal ko sayo. Hindi ko yun ikakahiya kahit ipagsigawan ko pa, kaya lang wala pa akong kakayahan eh. Anong mukhang ihaharap ko sayo at sa pamilya mo. K-Kaya please lang naman, konting paghihintay lang naman. Kapag may kakayahan na akong ipagmalaki ang sarili ko, please konting panahon na lang oh. P-Parang awa mo na mahal ko...." Umiiyak na kausap niya sa picture. Habang marahang hinahaplos-haplos niya ang magandang mukha nito. Minabuti niya na mahiga na lamang sa kama, ayaw niya talagang lumabas sigurado kasi na maririnig niya ang mga pinag-uusapan ng mga. At saka wala siyang ganang makipag-usap sa mga magulang ng kanyang ninang, ang nais lamang niya ay yakapin ang picture nito at mahiga at tahimik na lumuha. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon, bakit naman kasi na-inlove siya sa kanyang ninang pa. Hindi tuloy niya magawang isiwalat ang kanyang nararamdaman. Dahil kapag ginawa niya iyon baka pagtawanan lamang siya ng kanyang ninang. O baka isumpa pa siya nito o baka magalit ito sa kanya lalo pa at wala naman siyang kakayahan. Isa lamang siyang estudyante na walang binatbat sa mga kalalakihang nagkakagusto dito. SAMANTALA "Ma, Pa, hindi ho ba't nag-usap na tayo dito. Hindi naman po mayapa't 30 years old na ako eh wala na akong pag-asa magkaroon ng sariling pamilya. Alam ninyo naman po kung gaano kahalaga sa akin si Rage hindi ba? At lalong kung gaano kahalaga sa akin ang edukasyon niya at ang kinabukasan niya. At isa pa wala pa talaga akong natatagpuang lalaki na mamahalin ko. Marami naman ang nagpapahaging sa akin, marami rin ang nagpapapansin pero wala talaga eh. Alam niyo naman yan hindi po ba? Kayong dalawa ni papa, pag-ibig ang nagbuklod sa inyong dalawa at syempre katulad ninyo nais ko rin na ganun. Gusto kong maramdaman na mahal ko yung lalaki, hindi yung natutunan ko lang kundi mahal ko talaga katulad ninyo ni mama. Hindi ba mahal na mahal ninyo ang isa't isa at ginawa niyo nga ang lahat para maipaglaban ang pagmamahalan ninyo.kahit napakaraming hadlang at tutol? Kaya hayaan ninyo lamang po sana ako, hindi naman po maaaring pilitin natin ang aking puso na magustuhan ang lalaking iyon." mahabang paliwanag ulit niya sa kanyang Papa at Mama na mukhang atat na talaga na magkaroon ng apo mula sa kanya, pero hindi naman kasi gano'n kadali iyon. Naiintindihan naman niya ang kanyang mga magulang, lalo na ang hinaing ng kanyang papa dahil nga senior na ito at natatakot na baka hindi na man lang masilayan ang magiging apo mula sa kanya. Kaya lang kasi hindi naman pwedeng pilitin ang puso hindi rin pwedeng pilitin niya ang kanyang sarili para lamang sundin ang nais ng kanyang mga magulang. At simula pagkabata alam niya ang kwento ng mga ito, ang kwento ng buhay pag-ibig ng kanyang mga magulang at iyon ang kanyang tinitingala kaya kahit anong pilit ng mga ito sa kanya. Siguro ay hinding-hindi talaga siya papayag hindi naman minamadali ang pag-ibig hindi rin minamadali ang kagustuhang lumagay sa tahimik lalo pa at may dahilan naman siya. "Pero anak naman, sabihin na natin na ganun na hindi pa naman huli pero kami ang natatakot sayo eh, katulad niyan binubuhos mo na ang buong panahon mo kay Rage na inaanak mo. Papaano ka naman hindi ka na pabata at ilang taon pa ba bago maka-graduate si Rage? Hindi ba aabot pa ng mga lima hanggang anim na taon? Sa tingin mo ba mapapadali pa ang pagbubuntis mo kapag ganong edad na? Hindi anak, mahihirapan ka na anak baka ikapahamak mo pa kapag nangyari ang bagay na iyon. Halimbawa mabuntis ka ng nasa ganong mga edad na. At saka kapag may asawa ka naman na maaari naman sa amin si Rage hindi ba? Kahit sa mga gastusin hindi naman kami tatanggi ng papa mo, kahit kami na ang gumawa ng paraan para maka-graduate siya hindi naman namin siya pababayaan eh. Anak sa totoo lang hindi mo na nai-enjoy ang buhay mo bilang dalaga dahil sa kanya. Hindi naman sa masama ang loob namin sa kanya kasi syempre tinanggap naman natin siya at pamilya na ang turing natin sa kanya. Lalo na kami pero hayaan mo na siguro na kami na lamang ang mag-balikat ng tungkulin mo sa kanya. Sa katunayan ako naman talaga ang ninang niya hindi ba? So ako na lang anak, ayokong makita na hindi ka masaya. Hindi na naging masaya ang buhay mo bilang dalaga dahil sa kanya." mahabang pahayag naman ng kanyang mama. Mukhang seryoso nga ang kanyang mga magulang sa nais niro. Pati na ang kanyang Papa mukhang seryoso din at talagang nais pa ng mga ito na ang mga ito na ang magpatuloy ng tungkulin niya kay Rage pero nangako na kasi siya sa kanyang inaanak at hindi niya ito bibiguin. "Anak, makinig ka sa amin ng iyong Mama, okay sige kahit hindi ka na muna magdesisyon agad. Hayaan mo man lamang na dumalaw ang anak na iyo ni Dok sayo. Maayos naman siyang lalaki at sa katunayan siya mismo ang nakiusap sa amin na kung maaari ay dumalaw sayo. Hindi ko alam kung saan niya ikaw nakilala pero kaibigan siya ng iyong Kuya Amaro at hindi naman namin siya kinakampihan o ano. Pero sa tingin ko kasi ay mapapabuti ka sa kanya at ikaw rin naman ang magdedesisyon sa huli anak. Kaya kahit yun na lang, kahit makita man lamang namin na normal ka. Kasi sa loob ng 30 years anak simula ng magdalaga ka, wala man lamang kaming nakita na umakyat ng ligaw sayo. Hindi ka naman pangit, sobrang ganda mo naman, syempre nagmana ka sa mama mo. Kaya napakaganda mo kaya kami nag-aalala, kaya please kahit yun lang anak. Dahil naiintindihan ko rin naman ang point mo, naintindihan ko rin na nais mong maramdaman ang tunay na pag-ibig bago ka magdesisyon. Kaya sige lang anak kahit yun lang." Pakiusap naman ng kanyang Papa. Nahalata siguro nito na hindi niya nagugustuhan ang nais ng mga ito. Pero tama din naman ang kanyang Papa, simula ng ibinuhos niya ang atensyon kay Rage, hindi na siya pa tumanggap ng manliligaw. "Okey Papa, kung iyan po ang nais mo. Papayag ako, maluwag ko siyang tatanggapin dito sa bahay." Sagot niya sa kanyang Papa. Mas mainam ng pumayag kesa naman hindi pa matapos ang pag-uusap nila. Tsaka alam din naman niyang para sa kabutihan ang nais ng mga ito para sa kanya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD