“Aah gano’n hindi mo sinasagot ha.” Naiirita ng wika ni Helena dahil ilang beses na niyang mini misscall ang ninang Amiraya ni Rage ay hindi pa rin nito sinasagot ang kanyang call at kina-cancel pa iyon kaya naman sa inis niya nag-chat na lamang siya dito. “Tingnan ko lang kung hindi ka pa mismong tumawag sa akin! Ang lakas ng loob mong p*****n ako ha!” Nakasimangot na wika niya sa sarili. Tsaka nagsimulang magtipa ng nais niyang sabihin kay Amiraya. Hinintay niya iyong i-sewn ng babae at hindi nga siya nagkamali. Maya-maya lamang ay nag ring na iyon, napangisi siya tsaka pinakiramdaman niya kung nasaan si Rage baka kasi marinig nito ang sasabihin niya. “Bakit ngayon tumawag ka na? Kanina hindi mo sinasagot yung tawag ko ah.” Nakangising bungad agad niya ng sagutin niya ang kanyang c