Dahil sa biglang paghawak ni Rage sa kanyang kamay ay muntik na tuloy masubsob si Amiraya sa dibdib nito. Mabuti na lamang hindi natuloy dahil naitiin niya ang isang kamay sa kama pero napansin niya na tulog na tulog pa rin si Rage. Akala niya ay gising ito, marahil nananaginip ang pasaway. Napansin niya na tila ba kumikibot kibot ang bibig nito mahina lamang ang boses kaya hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito… “Ninang huwag, p-please huwag mo akong iwan.” Narinig niyang wika ni Rage habang nakapikit. Naintindihan niya iyon dahil ilinapit niya ang kanyang tenga malapit sa bibig nito, kaya namangha siya ng marinig ang kanyang pangalan. Paulit-ulit kasi nito iyong binibigkas hanggang sa maintindihan na niya ang mga kasunod pang kataga. Nakaramdam tuloy siya ng pagkaha