"Pahiya sila 'di ba, ang kapal ng mukha talagang nasaktan ka pa ng wala sa oras. Sorry, dahil sa akin iyon kaya ka napahamak. lam mo naman na ang mahalaga lang sa akin iyong kinabukasan mo, tsaka yung matiyak ko na magiging okey ang future mo. Naisip ko na baka kapag sinira ka nya, hindi ka na makapag aral pa. Kaya lang na-realize ko na, bakit nga naman kita pipiliting ipakasal sa babae na yun kung hindi mo naman pala gusto. At saka pumayag lamang din naman ako kasi akala ko mahal mo si Helena kasi nga iniisip ko bakit nagawa mong ipagtapat yung nangyari sa ating dalawa sa kanya ay samantalang alam mo naman na sagradong bagay iyon at hindi nga dapat na ipagsabi sa iba." wika ni amiraya sa kanyang inaanak. "Kayo naman po kasi Ninang kilala ninyo naman ako hindi ba? Kayo na nga po halos a