“s**t! Ang sarap ng labi nya!” tili sa isipan ni Helena. Nag-aalala lang naman siya ng husto dito kanina kasi nga nag-message siya dito pero hindi na nag-reply. Dati rati naman kasi kapag nag-message siya at ma-seen nito may reply agad. Kaya naman nagtaka siya at nag-alala dito ng husto dahil hindi nito iyon ginagawa sa kanya. Napasukod tuloy siya ng wala sa oras dito lalo pa at alam niya na wala itong kasama sa bahay. Malapit lang kasi ang bahay nito sa bahay nila. Kaya madali siyang nakapunta agad dito at tama nga ang kanyang hinala na may nangyayaring masama dito, iyon pala lango sa alak. Agad na pumasok na siya sa loob kahit ayaw nito dahil sa pag-aalala dito, nais niyang alalayan na lamang ito. Tinatawagan naman kasi niya si Tita Amiraya na ninang nito pero hindi niya ma-conta