Kabanata 6

1811 Words
Katatapos lamang nilang mag-almusal na dalawa ni Rage, iniabot nito sa kanya ang gamot kahit na nasa may tabi na rin naman niya iyon sabay abot ng tubig. Pasaway, napaka-maalaga talaga nito. Kayswerte talaga ng babaeng mamahalin nito at makakasama habang buhay. “Thank you, sweet talaga ng inaanak ko.” nakangiting pasasalamat niya dito sabay kuha ng gamot at tubig na iniabot nito sa kanya. Talagang napakabait at maalaga ng kanyang inaanak heto nga at inabot pa sa kanya ang gamot kahit na nasa gilid lamang naman niya iyon para siguro masiguro nito na iinom siya ng gamot. Nagpasya siyang uminom ng gamot dahil talagang tinitigan pa siya nito hanggang sa umiinom na. Dati kasi nakita nito na iniluwa niya ang gamot isang beses na painumin siya nito dahil din sa sakit ng ulo. Hindi kasi siya yung tao na konting sakit sakit lang eh, iinom na kaagad para mapawi ang sakit mas nais niya yung inom-inom na lang ng tubig at pahid-pahid ng ointment kasi sumasakit na rin iyong balakang niya. Minsan tuhod, minsan naman ay siko. Minsan nga inaasar siya nito kapag nagpapahilot siya pero kunyari lamang ito na sa pang-aasar pero ang totoo nag-aalala ito sa kanya. Tapos once na mag-request siya agad na magpamasahe dito agad-agad naman itong sumusunod. “Aaahh…” Wika nito at sabay turo sa bibig niya. Natawa siya dito dahil kailangan pa talagang tiyakin kung nilunok niya iyong gamot. Pero para wala na silang pagtalunan pa ibinuka na lamang niya ang bibig at pinakita dito na walang gamot sa loob ng bibig niya. Sino ba ang hindi matutuwa sa batang ito sobrang napakaalaga at talagang sinisiguro na okay siya. Kung tutuusin parang hindi ito 20 years old kung mag-isip, ang mga kasing edad kasi nito at kahit na yung mga classmate nito ay adik na adik pa sa mga online games. Samantalang ito bibihira lamang niya itong makitang maglaro kahit na binilhan nga niya ito ng gaming set. Regalo niya ito noong 18th birthday nito dahil alam naman niya na hindi ito hihingi sa kanya kahit na gusto nito. Iyon bang kahit gustong-gusto nito ay pipilitin talaga nito na hindi hingin iyon sa kanya. Lagi kasi itong nahihiya kahit na sa allownace, siya pa ang namimilit tatanggapin nito iyon. At hindi nga siya nagkamali tuwang-tuwa ito ng nabilhan na niya, pero isa lang ang ipinangako nito sa kanya. Na kahit may gaming set na ito ay hinding hindi ito maaadik sa games na iyon. Ang priority pa rin ito ay ang pag-aaral at syempre ang pag-aasikaso sa kanya at pag-aasikaso din sa kanilang bahay. “Naku napakasigurasta mo talagang pasaway ka, teka pahinga ka na doon ikaw na nga ang nagluto ng lahat ikaw pa maghuhugas ng plato ako na niyan.” wika niya dito sabay ligpit ng kanyang mga kinainan. Kukuhanin na kasi sana nito ang kanyang pinagkainan pero minabuti niya na tabigin ang kamay nito at siya na mismo ang magdala niyon sa lababo para hugasan pati na ang kinainan syempre nito. “Ninang ako na po, doon ka na sa sala magpahinga ka na lamang. Alam ko na masakit ang ulo niyo kaya hayaan ninyo na ako dito. Tsaka marami pa akong huhugasan na kaldero at mga plato na ginamit natin kahapon. Inilagay ko lamang sa likod bahay para doon na lamang ako maghugas isasabay ko na lamang ito doon.” wika nito sa kanya. Nahabag naman siya dito, napakasipag talaga ng kanyang inaanak. Simula talaga pagkabata hindi ito nagbago, masipag pa rin, magalang, at napakagiliw sa kanya. “Ay kawawa naman ang inaanak ko, ikaw na nga yung birthday boy kahapon tapos ikaw pa rin ang maglilinis lahat. Ikaw naman kasi ayaw mo pang kumuha tayo ng kasambahay, para sana hindi ka na nahihirapan ng ganyan." Wika niya dito. "Ninang, hindi naman na natin kailangan iyon. Magbabayad ka pa ng ibang tao kung kayang-kaya ko naman gawin ang mga gawain dito. Tsaka iyon na nga lang ang way ko para makatulong sa iyo eh. Maibalik ko man lang ang kabutihan mo, lalo na at ayaw mo naman akong mag part time job." Katuwiran naman nito. "Aba eh, tama lang naman na hindi ka mag part time job kasi Rage, baka maapektuhan ang mga grades mo o kaya naman magkasakit ka dahil sa matinding pagod. Kaya wag na matigas ulo ha, tsaka itong ginagawa sa bahay mapagod din naman talaga kaya dapat kahit isang kasambahay lang kumuha na tayo." Paminilit pa rin niya dito. "Hindi na nga po Ninang, kaya ko naman lahat ng ito eh. Tsaka masaya akong pagsilbihan ka, alam nyo naman iyon hindi ba? Kahit noon pang maliit ako gusto ko palaging uutusan mo para kahit papano ay may pakinabang din naman ako." Sagot pa nito. Naku, lahat talaga ang may isasagot ito para lamang mapigilan siya sa nais. "Okey, ganito na lang. Mabuti pa magpahinga na lamang muna tayo after 30 minutes, kapag medyo okay na itong ulo ko tulong na lamang tayong maghugas sa likod. Para naman may magawa din ako sa buhay, hindi yung nakahilata lamang ako sa loob ng room or diyan sa sala. Tsaka wait lang , ano kaya kung gumala tayo ngayon. Sunday naman eh bukas, monday na naman at buong linggo tayong pagod so dapat kahit papano ay mag-happy happy naman tayo ngayong linggo. Ano game ka, gala tayo?” masayang suggestion niya dito. . Kawawa naman kasi puro aral na nga ito sa loob ng isang linggo tapos hindi pa makakapahinga dahil marami siyang ginagawa sa bahay tapos birthday kahapon nito, pero ito pa talaga ang maglilinis ng lahat. Kaya balak niya na tulungan na lamang ito kasi ayaw na ayaw nito na tumutulong siya sa mga gawaing bahay. “Hindi na po Ninang pagkatapos ko kasing maglinis ng bahay at maghugas ng mga ginamit natin kahapon ay gagawa naman ako ng assignment kaya wala akong time. Ikaw Ninang baka gusto niyo po na gumala kapag okay na ang pakiramdam niyo. Ako talaga hindi pwede kaya okay na ako dito sa bahay. At saka magpahinga ka na lamang ho, ako na lamang ang maghugas ng lahat ng iyon. Parang hindi niyo naman ako kilala, alam mo naman na kayang-kaya ko lahat iyon.” Nakangiting sagot nito sa kanya sabay kuha ng mga hawak niyang plato. “Naku ikaw talagang lalaki ka. Wala ka ng time sa mga barkada mo, wala ka ng time na gumala man lang. Mas nais mo pa ang manatili dito sa bahay, hindi ka pa nabo-boring dito? Hindi ka ba nababagot na palagi na lang nandito sa bahay? Alam mo noong mga nasa edad mo ako, nasa labas ako palagi. Diba natatandaan mo iyon, tapos ikaw naman iyak ka ng iyak kasi hinahanap mo ako.” Wika pa niya dito. Naalala niya nung mga 10 years old pa lamang ito at siya naman ay 20, kapag umaalis siya ng bahay at kasama niya mga classmate niyanh gumagala sila sa mall or may pinupuntahan silang lugar na ng mga kaklase niya. Tatawag pa talaga ang mama Amaya niya sa kanya dahil hindi daw tumitigil sa kakaiyak si Rage at lagi siyang hinahanap kaya naman ang gagawin niya. Magvi-video call na lang sa messenger at akala mo eh may ka- long distance relationship siya. Akala mo ay magkasintahan na kailangan niyang naka on lagi ang camera sa video call para makita lang siya, upang hindi ito umiyak. Paano ba naman kasi sa kanya talaga ito nasanay, katabi niya ako sa pagtulog, siya din ang nagpapakain dito kasi napakatamad nitong kumain. Lalo na kung gulay ang ulam, hindi talaga ito kumakain pero dahil na rin sa pagsisikap niya natuto itong kumain ng gulay. At kapag tinama ito na sumubo, talagang sinusubuan pa niya para lamang makakain ito ng maayos. Tapos yung mga susunod na taon ang ginagawa niya isinasama na lamang niya ito kapag gumagala sila ng mga barkada. Pupunta sila ng mall manonood ng sine kasama na lamang niya ito. Ang edad naman nto noon na 12 years old, matangkad na talaga ito hindi na mapagkakamalan na bata. Kasi mas matangkad ito di hamak sa kanya. Samantalang siya na 22 years old na At ito naman ay 12 years old pero hanggang sa may tenga lamang siya nito pero ngayon na 20 years old na ito at 30 years old naman siya. Naku kahit siguro ibalibag siya ng kanyang inaanak kayang-kaya nito dahil 5'9 ang height nito at siya naman ay 5'0 flat lamang. “Si Ninang naman binalik pa talaga yung time na yun nakakahiya tuloy.” namumula ang pisnging wika nito. "Ehh, bakit naman ang cute cute mo nga doon eh. Alam mo yun, yung sobrang alalang-alala na si Mama. Tapos ang gamot lang pala eh makita ako, na kahit sa video call ay tumatahan ka na sa pag-iyak. Ang problema habang namamasyal kami kailangan kausap din kita sa video call. Hay naku, pero alam mo ba nakakamiss yung gano'n 'no. Nakakamiss yung sobrang kakulitan mo at saka mas malambing ka sa'kin non, ngayon hindi na masyado halos hindi ka na nga magdidikit sa akin eh samantalang dati gusto mo palagi na nakayakap sa akin." Kunyari sambakol ang mukhang wika niya dito. Tapos medyo pinalungkot pa niya ang boses sa mga huling katagang binigkas niya. "Syempre iba naman po noon Ninang at iba na ngayon, binata na ako ngayon eh. Noon naman bata pa ako, syempre nakakailang iyong gano'n at saka tingnan ninyo nga yan kung gaano ako katangkad. Halos umabot lang kayo sa may leeg ko eh mamaya kapag may makakita sa atin mapagkamalan pa tayong mag jowa." reklamo naman ito sa kanya. "Aba at saan mo naman nakuha ang idea na yan, ang pag-iisipan nila tayo na mag jowa pasaway ka. Alam mo naman, na alam nila lahat dito na inaanak kita. At saka pakialam ko ba kung anong isipin nila sa atin. Alam naman natin ang totoo, hindi ba ikaw ang inaanak ko forever and ever, forever kitang magiging little boy." nakangiti pang wika niya dito sabay hampas ng kamay niya sa pang-upo nito. "Ninang-tigilan mo nga yung kagaganyan mo sa akin. Ano ka ba, matanda na ako binata na ako kaya hindi mo na dapat ako ginaganyan pa. Alam mo naman ang mga isip ng ibang tao kapag nakita yang ginagawa mo na yan." wika na naman ito sa kanya. At talagang sinita pa nito ang ginagawa niya na palagi naman niya itong pinapalo sa pang-upo. "At sinong loko-loko ang mag-iisip ng masama sa atin ha. Kahit anong gawin ko sayo, kahit yakapin kita, kahit halikan kita wala lahat malisya iyon dahil inaanak kita. Forever na kitang magiging baby sa ayaw at sa gusto mo." Nakangisi pang wika ulit niya. Sabay palo ulit sa pang upo. "Ninangggg ang kulittttttt!!!" Palatak nito, siya naman ay tawa ng tawa sabay takbo ng sa sala. Ang sarap talaga asarin ng kanyang inaanak. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD