Kabanata 62 Pumasok si Rage sa kanyang school, nagmamadali siya dahil malapit na mag flag ceremony. Kaya naman nagmamadali siyang bumaba sa kanyang motor pagka-park niya ngayon sa parking lot ng school. Napansin niya na tila ba, kakaiba ang tingin sa kanya ng ibang mga estudyante. Lalo na ang mga nagkukumpulang kalalakihan sa unahan, iniisip niya na baka tinitingnan lamang ng mga ito ang kanyang motor ngunit na i-park na niya't lahat at naglakad na siya patungo sa may pathway ay hindi pa rin siya tinatantanan ng tingin ng grupo. Napailing na lamang siya mukhang nakursunadahan pa siya ng grupo pero hindi yata siya kilala ng mga ito. Maraming napapabalitang bully sa kanilang school. Pero wala naman siyang nakikitang binu-bully at hindi rin nagtatangka ang mga ito na bully-hin siya da