Madilim na ng magising si Rage, minabuti niya na magbukas na ng mga ilaw dahil napakadilim na rin sa paligid. Napahaba pala ang kanyang tulog pero okay na rin iyon, mabuti nga iyon nabawi niya ang mga puyat niya. Mamaya siguro maglalaro na lamang siya ng ml para malibang. Ang ginawa niya ay ininit niya ang natira nilang pagkain ng kanyang ninang. Matapos initin, tiningnan niya ang oras at nakita niya na pasado alas syete na rin ng gabi kaya nagpasya na siyang kumain. Nagsandok lamang siya ng makakain at minabuti na magtungo sa sala, nagpasya siyang manood na lamang muna ng movie habang kumakain pampalipas ng oras dahil nakakabagot hindi talaga siya sanay na wala sa bahay ang kanyang ninang Amiraya. At ang totoo miss na miss na rin niya ito ng husto. Kahit na ilang oras pa lang itong