Kabanata 64 ”Hello po Ma,” mahina ang boses na wika ni Amiraya ng sagutin niya ang tawag ng kanyang mama. “Anak, anong ginawa mo? Anong nangyari sa inyo ni Rage?” Mahinahong tanong sa kanya ng kanyang mama. Ngunit nahalata na niya sa boses nito na tila tinitimpi lang nito ang galit pero kilala kasi niya ang kanyang mama, hindi ito basta basta naniniwala sa mga bali-balita o mga sabi-sabi hangga't hindi nanggagaling mismo sa bibig nila. At malawak din ang pang-unawa nito dahil na nga rin sa lahat ng pinagdaanan nito at ng kanyang papa. "Ma sorry po, pero totoo po kung ano ang napanood ninyo hindi ko rin po alam kung ano ang nangyari, basta isang araw nagising na lang ako na hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko. Basta alam ko sa puso ko na hindi na lang basta inaanak ang turi