Tinanghali ng gising si Amiraya, nagulat siya dahil kadalasan ginigising siya ni Rage para mag-almusal. Pero malapit ng mag alas syete ng umaga pero wala pa ring Rage na kumakatok sa kanyang pintuan. Kaya naman agad siyang lumabas ng kanyang silid para puntahan ito. Mukhang nagalit ito kagabi sa kanya, o baka nagpuyat ito sa pag-iisip. Naririnig pa niyang tila may pinapanood ito kagabi sa cellphone nito. Pero sa totoo lang naaawa na rin talaga siya dito sobrang ang dami ng nagbago sa kanilang dalawa pero kung nanaisin naman niya eh pwedeng pwede nilang ibalik yung dati. Siya lang talaga ito yung takot na takot sa sariling multo paano ba naman mukhang mapapahamak siya kapag hindi niya ito inawasan. Ilang linggo na ring palaging tahimik ang kanilang bahay, hindi katulad dati na napupun