Samantala Hindi mapakali si Amiraya sa kanyang swivel chair, iniisip kasi niya na parang napakalupit naman niya sa kanyang inaanak dahil hindi niya nagawang pansinin ito kanina. Kahit batid niya na nasasaktan na niya ito, itinuloy pa rin niya. Iyon kasi ang unang beses na hindi niya halos ito pinansin sa umaga ibang iba sa masayang umagang mga nagdaan sa kanila. Ang totoo kasi hindi niya alam kung ano ang gagawin, natatakot itong kausapin para bang gusto niyo magpakalay hulay ho muna at mag-isip kung ano ba dapat ang maging desisyon niya sa kapangahasan ni rage at maging sa kakaibang nangyayari sa kanyang katawan hindi maaaring basta na lamang siya tumalon sa isang desisyon na sa tingin niyo sa huli pagsisisihan din naman niya. Ayaw nga niyang ipaalam sa kanyang inaanak na alam na