Naalimpungatan si Rage, narinig niya na may nagdo-doorbell sa gate at natitiyak niya na iyon na sina kuya Amaro at kasama na ang manliligaw ng kanyang ninang. Agad siyang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga, nakatulog pala ulit siya ng dahil sa pagod sa ginawa niyang kababalaghan kanina. Lumabas agad siya ng bahay at pagtingin nga niya ay ang kanyang Kuya Amaro na, ang kakambal ng kanyang ninang Amiraya at isang lalaking maputi at matipuno ang pangangatawan. Agad na napako ang paningin niya dito, Halos magkasing-tangkad lamang sila ng lalaki, sime kalbo ang buhok at malinis kong manamit. Sa madaling sabi magaling pumorma. Agad naman siyang napatingin sa kanyang suot na damit t-shirt na maluwang lamang iyon at partner pambahay na short lamang. Hindi katulad ng lalaki na bagay na baga