MICKEY DARWIN SIGURADO naiinis na sa akin ang babaeng yon. Ang sabi ng isang kasambahay ay bumaba na sa parking. Tapos ang driver bodyguard niya ay naririto pa sa taas pero sinadya ko talaga yon upang galitin siya. Pagdating ko sa baba ay naulinigan ko kaagad ang galit niyang boses. Kaya sa halip na magmadali ako ay nagkubli pa sa isang sasakyan. Gusto kong marinig ang iba pa niyang sasabihin. “Kuya Ron, where is he?” “Pababa na raw, huwag kang magalit dahil maaga pa naman ang oras ng pagpasok mo sa opisina.” “Kahit na, dapat nauna siya dito sa sasakyan kaysa sa akin!” angil pa niya kay Mr. Ron, kahit sino naman siguro kung obvious na sa akin pa kumakampi si Mr. Ron. Huminga muna ako ng ilang beses bago tuluyang lumapit na sa kanila. “Nariyan na ang iyong bodyguard kaya huwag ka ng