MIRAH NARIRITO na kami sa aming bahay, meron siyang private nurse at paminsan minsan ay pinupuntahan ng kanyang doktor. Mabilis din ang recovery ng aking asawa kaya naman ay unti-unti ng nawawala ang mga alalahanin ko. Sa umaga ay nag pupunta dito sa bahay si Daddy Xander at Mommy Jasmine. Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan ay unti-unti ng nabura ang sa mukha ni Davin ang hirap na naranasan. “Bakit nakangiti ka riyan, Davin?” ano kaya ang tinitingnan nito sa cellphone at ganun na lang ang saya na nakaukit sa kanyang mukha? Dama ko ang malaking pagbabago ni Davin. Pero ayaw kong mag-isip ng hindi maganda. “Wala naman baby.” pagkatapos ay mabilis na pinasok sa bulsa ang kanyang cellphone. Kahit gusto ko pang mag-usisa ay tumahimik na lamang ako. At kahit nararamdaman kong may tin