SAVI ISANG linggo na ang nakalipas at hindi na muling nagpakita sa kanya si Dean. Nakakaramdam siya ng sobrang lungkot pero kailangan niyang magtiwala sa kanyang asawa. Sa umaga kapag gumigising siya ay agad na tinatanong ang mga kasambahay kong umuwi ba ang asawa. Pero sasagutin lang siya ng pag-iling ng mga ito. “Ma’am Savi, mag-break fast ka na muna at mamaya ay sasama ka raw sa labas ng senyora. Lumabas lang sila ni Sir Xander pero babalik din agad.” “Salamat po manang.” at nagtungo na siya sa dining room. Binilisan niya ang lakad dahil baka hindi pa siya ready pagdating ng mga biyenan ay nakakahiya sa mga iyon. “Ma’am Savi, meron po iniwan ang senyora sa silid nyong mag-asawa. Iyon daw po ang isuot dahil mahalaga daw ang pupuntahan nyo.” “Sige po salamat. Bago nginitian ang gin