SAVI HABANG nakaupo sa kanyang swivel chair ay nilalaro ang hawak na pen. Hanggang sa mga oras na yon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging asawa niya ang lalaking matagal ng pinapangarap. Nagulat pa siya nang biglang may humanpas sa ibabaw ng table. Akmang mumurahin niya ang gumawa noon ng makita ang nakangiting kakambal. “Sa wakas mag aasawa ka na… hmmm.” wika pa nito at hindi siya naniniwala sa nakikitang kasiyahan sa mukha dahil obvious naman na nagpapanggap lamang. Dahil mula pa ng mga bata sila ay laging magkaribal sa lahat ng bagay. Ang nakapagtataka lang bakit mabait ito sa kanya ngayon. “Anong ginagawa mo dito Sari?” “Simple, kukunin ko ang reward ko.” “Anong reward ang sinasabi mo?” “Leave, sa akin na ang pwesto bilang CEO.” “Huwag kang magpatawa si Papa ang nagla