MIRAH MINSAN hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Bakit hindi ko magawang magalit ng tuluyan sa aking asawa. Sa kabila ng mga kasalanan na nagawa niya noon sa akin. Aminado akong masakit sa part ko ang mga nangyayari sa amin ngayon ngunit hindi ko pa rin magtiis si Davin. Kagaya na lang nang dumating siya upang magpaliwanag. Hindi ko siya nagawang tanggihan. “Mickey, anak pumasok ka bakit naririyan ka sa pintuan?” ang anak namin ay nananatiling nakatayo doon. Galit ito at hindi yon maitatago dahil sa pamumula ng mga mata. I said, bakit naririto ka po Daddy, ‘di ba hinayaan ka na ni Moma sa gusto mo pero bakit sumunod ka pa dito… ah! Nakalimutan ko na mansyon nyo pala ito. Kaya anumang oras ay pwede kang pumunta dito….” “Mickey, anak huwag kang magsalita ng ganyan sa iyong ama.