JASMINE KARARATING lang nila ng bansa mula sa bakasyon. Masaya ang lahat lalo at naroon ang ibang kamag-anak ni Xander. Ganun pa man alam niyang nalulungkot ito dahil hindi pa rin nagkasundo ang dalawa ni Er. At nasira ang plano nilang pagpapakasal sa Hawaii. Nasaktan siya para kay Xander, ayos lang naman kung hindi natuloy ang kasal nila sa Hawaii. Pero ang makitang hindi masaya ang lalaking minamahal ay nagbibigay lungkot din sa puso niya. Naglakad siya patungo sa lanai at tumabi ng upo kay Xander. Hinawakan ang kamay nito at pinasalikop niya ang palad nila. “Huwag mo na sanang isipin ang kaibigan mo darating din ang araw na mawawala ang hinanakit niya sayo.” “Hindi na siguro dahil talagang ayaw na niyang makipag-ayos sa akin. Kung nakita at narinig mo lang sana ang sinabi niya sa