SAVI KAHIT paano ay naging maayos ang kanyang pag-alis ng bansa. Hindi nga niya inakala na mismong si Dean Xian pa ang tutulong sa kanya. Ngayon ay naririto an kami sa private plane na pagmamay-ari ng pamilya ni Dean. At ngayon ko lang din napatunayan na hindi lang basta mayaman ang pamilya nito. Kundi napakayam ng mga ito at wala sa kalingkingan ang kabuhayan ng pamilyang pinaggalingan niya. “Pagdating mo sa lugar kung saan kita ihahatid ay maaari kang makapagtrabaho sa mismong kumpanya ng pamilya Montemayor.” “Sa inyo rin ba ang kumpanya na sinasabi mo, Dean?” “Kay Abuela Chariz, sa pinsan ni Abuelo Delta.” “I see, salamat pero baka malaman ni Papa ang lugar na kinaroroonan ko kapag may mga empleyado na makakita sa akin doon.” wika niya, ganun pa man ay masaya siya na nariyan si D