April's POV "Anong pangalan mo, Miss?" tanong ng gwardya sa akin dito sa gate ng malawak na kalsada habang hawak ang telepono at mukhang may kausap doon. "April po. April Gomez," sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at saka muling bumaling sa hawak niyang telepono. Grabe lang ang sosyal ng lugar na kinaroroonan ng bahay ni Charles. Pati ba naman kalsada ay may gate at may mga gwardya. "April Gomez daw po, Ma'am. Si sir Charles daw po ang hanap niya," sabi niya doon. Ako naman ay napatanaw sa mga naglalakihang bahay sa loob. Grabe, ang gaganda at ang lalaki. Kanino kayang mga bahay 'ya--"Ay! itlog mo!" napasigaw ako sa gulat nang bigla na lamang may malakas na bumusinang sasakyan. "Tabi ka muna, Miss. May papasok," sabi ng isang gwardya sa akin habang inaantabayanan ang pagpasok ng i