Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall. "Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata. Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall. "Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas." Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan