Pagkarating nila sa ospital ay agad na dinala sa may emergency room si Tatay Lando. Dahil sa isa ding doktor at kakilala ni Alice ang ilang naka-duty roon ay sumama ang dalaga hanggang sa loob ng ER. Si Fiona ay naiwan lamang sa labas kasama sina Randall at Jack. Bakas sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na pag-aalala para sa abuelo ng mga ito. Nakasandal si Randall sa sementadong dingding ng ospital habang si Jack naman ay nakaupo sa mahabang bangko na nasa may waiting area. Ilang hakbang ang layo niyon mula sa lugar na piniling paghintayan ng kanyang kasintahan. Fiona walked towards him. Tumayo siya sa mismong tabi ni Randall kasabay ng pag-abot niya sa isang kamay nito. She made their fingers intertwined. Ang ginawa niya ay nagpangyari para lumingon sa kanya ang binata. Nasa mukha p