“Hendrix.” Mula sa paghihiwa ng gulay ay binaling niya sakin ang tingin.
“Bakit hindi ka nagagalit?”
His gaze sharpens as if telling me how nonsensical my question was.
“Kasi hindi ka naman ganito kabait sakin dati. Kahit nga pagtatanong ko lang, umiinit na agad ang ulo mo. Ayaw mong nakikipag-usap sakin. Kaya bakit hindi ka na nagagalit ngayon?”
Binalik niya na ang tingin sa ginagawa at nagpatuloy sa paghihiwa na tila nagsasabing hindi niya na responsibilidad pang sagutin iyon at ako na dapat ang bahalang humanap ng sagot doon. Pero gusto ko pa ring magpatuloy sa pagsasalita. Hindi ko alam kung kailan ulit magiging ganito ang pakikitungo ni Hendrix sakin, kaya ngayon palang dapat masabi ko na ang mga gusto kong sabihin.
“Hendrix.” Hindi na ito tumugon kaya nagpatuloy ako, “Nandoon ba kanina si Vince?”
Hindi ito sumagot.
“Ayan ka na naman eh! Hindi ka na naman sumasagot kapag tinatanong.”
Nang hindi pa rin ito umimik ay napasimangot na ako at bumitaw sa kaniyang braso. Pero kasabay din niyon ay ang agad na paghila niya pabalik sakin. Hinapit sa aking bewang at ngayo’y nakadikit na sa kaniya.
“He was not there that’s why I have to be more extra careful, that’s why I can’t take my eyes off you now. Kaya mas mabuting dito ka lang, huwag kang aalis sa tabi ko.”
Ang titig niya’y tumutugma sa pag-aalab ng aking dibdib. Hindi ako makapaniwalang titig-titig ako ng nga matang ito, araw-araw namang ganito pero ngayon parang nakakamanghang isiping nangyayari ito. Kinurap-kurap ko ang mga mata para hindi niya mahalata iyon.
Bumitaw na ito at nagpatuloy sa ginagawa. Nakagat ko ang labi at dahan-dahang tumango. Hindi na ako ulit yumakap sa braso niya at sumandal na lamang sa lababo.
“Hendrix.” Mabilis lamang siyang sumulyap, “Yung nangyari kanina…pang ilang b-beses na ‘yon?”
Tumalikod ito dala-dala ang mga sangkap na tapos na niyang hiwain. Tumungo sa pinaglulutuan at ngayo’y ang pagtitig na lamang sa malapad niyang likod ang magagawa ko.
Galit ba siya? Siguro hindi ko na dapat tinanong iyon.
“I’m sorry for asking. Huwag mo nang-”
“I can’t remember. There were so many of them that I can’t remember anymore. Maybe I really got these hands from my father. Hands that were only made to kill.”
The way he said the was just like the way he usually talks. Dahil ba iyon ang paniniwala niya? O dahil iyon ang gusto niyang paniwalaan ko? Bakit sa tingin ko sinasabi niya iyon para kamuhian ko siya? Bakit pakiramdam ko sinasabi niya iyon para lang madumihan ang pangalan niya sakin?
Kahit hindi niya naman nakikita ay umiling pa rin ako, “Mali ka Hendrix. His hands were made to kill. Although yours have also killed a lot, they were made to protect. Magkaiba kayo ni Senator, magkaibang-magkaiba kayo ng ama mo, Hendrix.”
Nakita kong napahinto ito sa ginagawa. Gusto ko sanang makita ang reaksyon niya. Ilang saglit lang bago ito humarap sa akin. With his usual arrogant look, mysterious and intriguing gaze, he just stood there for a little while, staring down at me.
Hindi naman ako umiwas at tinapatan lamang ang mata niya. Naalis lamang ang tingin ko sa kanya nang ilahad niya ang kamay, tila iniimbitahan akong hawakan iyon.
I didn’t even bother asking what that was for. I didn’t have even the slightest doubt or second thought. I was quick to reach for his hand. At nang mayapos na ng malaki niyang kamay ang akin, halos mapatulala ako sa gulat nang makitang bahagyang kumurba ang labi niya sa isang ngiti.
“I really thought you would hate me for that.” Hinila niya ako at wala pang isang segundo ay nakakulong na ang aking katawan sa kaniyang mga kamay. Dama na ang init ng katawan niya, ang tigas ng kaniyang dibdib at tiyan, ang init ng hininga niya, at ngayon mas malinaw na ang ngiti sa labi niya.
“Hindi mo ba talaga naaalala?”
I remembered Gavin asked me the same question before too.
“Yung alin?”
Nang marinig ang aking sagot unti-unti nang napawi ang ngiti niya, unti-unting bumabagsak ang mata sa aking bibig. Dinala niya ang isang kamay para mayakap ang aking leeg, pinadulas paakyat hanggang sa naabot ng kaniyang hinlalaki ang aking labi.
Umiling siya, “Give me two days, Athena. Two days and after that we’ll go back to normal. Just two days and after that I want you to hate me again.”
Umamba akong magtanong ngunit pinisil niya ang aking labi dahilan para maudlot ito sa pagbuka.
“Two days would already be enough for me.”
Hinawakan ko ang kamay nito para patigilin sa pagpipigil sa bibig kong makapagsalita.
“Why are you doing this? Why do I have to hate you?”
Kumalas ito mula sa hawak ko at muling dinala ang kamay sa aking leeg, pulling me closer to him. Mainit ang palad niya sa aking balat. Sa lapit namin, kinakabahan ako at baka marinig niya ang lakas ng t***k ng puso ko.
Sa kagaspangan ng pakikitungo niya at ng pananalita sa akin, hindi ko kailanman naisip na posible pala itong mangyari. Posibleng maging ganito kami kalapit, posibleng gumulo nang ganito ang aking puso dahil sa paraan ng pagtitig niya, posibleng magwala ang mga paru-paro sa aking aking tyan dahil sa paghawak niya. Hindi ko aakalaing posible palang magustuhan ko rin ang ganito, siya nang ganito
“Because I am not good for you.” He answered.
At ang mga mata niya’y nagsilbing kalawakan. They were vast and deep. Kahit gaanong pagtitig ang gawin, hindi ko malaman kung saan ang patutunguhan. Napakaraming misteryo ang nakatago, napakaraming sikreto ang nagkukubli sa kadilimang naroroon.
“Si Vince pa rin ba?” Bigla niyang naitanong.
Kailan ba naging si Vince?
“Hindi na.”
“Kung ganoon, pwede bang ako muna? Kahit dalawang araw lang.”
May oras ba ang pag-ibig? May tamang oras ba kung kailan pwede mo nang magustuhan ang isang tao? Kahit sa napakaikling panahon, pupwede kaya ‘yon? Na magkagusto sa isang tao? Sana hindi mali ito. Ang sarap na kasi sa pakiramdam.