Happy “Hindi. Sa tingin ko gayuma. Ginayuma si bossing ng babaeng nakaputi na mahaba ang buhok na nakaupo sa likuran.” Matalim kong tiningnan ang nagsalitang si Karl at maloko niya naman akong nginisihan. Nakabawi na ito mula sa mga nangyari. Lahat sila katunayan ay nakabawi na pero ang hindi nila alam ay may hinanda na naman akong panibagong sorpresa. Gusto kong tumawa na parang kagaya ng isang mangkukulam dahil na naiisip. Nasa isang mini theater kami ngayon dito sa bahay. Nakakahanga dahil may ganito sila rito, hindi na talaga nila kakailanganin pang lumabas dahil literal na nandito na lahat ng pwede nilang pagkalibangan. Pagkatapos maglinis ni Hendrix kanina ay bumalik na rin kami ng bahay. Nagpaalam itong maliligo at ako nama’y nagpaalam ding mag-iikot sa kabuuan ng ba