Kabanata 95

3483 Words

Saglit lang man ‘yon, o mababaw lang man ang halik na iyon, kahit matagal na rin ang nakalipas ay tila ba dama ko pa rin ito sa aking mga labi. Sa paulit-ulit na hinahagkan ako ng mga labing iyon noon ay halos masaulado ko na, subalit nang muli akong angkinin nito kanina, pakiramdam ko’y isa akong dayo sa isang kakaibang nasyon. Napakabago ng pakiramdam, napakainit ng sensasyon, nakakapaso ang paglalapat ng mga labi, nakakakapos ng hininga ang mabilis na pagtakbo ng aking puso. “Athena?” Halos mapaigtad ako ng boses niya. Napakurap-kurap ako at doon lamang napatingin sa labas, nakatigil na kami sa harap ng bahay. Kanina pa ba kami rito? Kanina niya pa ba tinatawag ang pangalan ko? Buong biyahe ay sa halik na iyon lamang lumilipad ang isipan ko. “Galit ka ba?” Napalingon ako sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD