Matapos ang halos magminuto nang pakikipagtitigan kay Ryzel ay sumuko na ako. Magmula kaninang umaga nang pumasok ako hanggang ngayong tapos na ang klase ay hindi ito tumigil sa pang-uusisa pati na sa panliliit ng mata na nagpapakita ng kaniyang pagdududa sa akin. We are at the back of the auditorium and there are a few food stalls here. Nasa gilid ito ng driveway, dito kami madalas naghihintay ng aming sundo kapag uwian na. Tinuon ko na lamang ang tingin sa mga sasakyang nakaparada malapit samin na siyang agad ko namang pinagsisihan. Kinuha ng lalaki ang bag ng babaeng kabababa lang ng kotse at isinukbit ito sa kaniyang balikat. Matamis siyang ngumiti sabay kuha sa kamay nito at pagkatapos ay magkahawak-kamay pa silang naglakad papunta sa isa sa mga buildings sa school. “Magbe